Thursday, May 5, 2011

Mother's Day Special This Saturday on "Wansapanataym"


Isang Mother's Day special ang tampok na istorya ngayong Sabado sa “Wansapanataym" na pinamagatang "Vanishing Vanessa".

Iikot ang kuwento sa isang batang nangarap na maging invisible upang matakasan ang mga utos ng kanyang ina. Sa kanyang pagkawala, napagtanto niyang mahal pala siya ng kanyang ina. Pangungunahan ni Jacklyn Jose bilang Aling Ria, Cheska Billiones bilang Vanessa, Joy Viado bilang Yaya .

Wag palalampasin ang “Wansapanataym” ngayong Sabado ng gabi. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com at sundan ang abscbndotcom sa Twitter.


No comments:

Post a Comment