Thursday, December 24, 2009

Pinoy NORAD Santa Tracker Live



It's Christmas eve, almost midnight na here in North America at medyo late yata si Santa. Where the heck is Santa Claus. Teka minute, heto po ang latest update from Pinoy NORAD Santa Tracker. Namataan si Santa na naipit daw ng traffic sa kahabaan ng EDSA. Sa me pagitan ng Boni Ave. at Shaw Boulevard, malapit daw siya sa me Mercury Drug, Igan. Kung hindi uusad ang traffic e baka daw mag-MRT na lang siya sa Shaw. Kaya konting hintay lang mga boys en girls sa US of A at darating din jan c Santa.

Isang ligtas, mapera at masayang Pasko sa mga batang maghahanting ng kanilang ninong at ninang ngayong kapaskohan. Mula sa My Pinoy Humor Blog, Happy Hunting! Sugod mga inaanaaak!

No comments:

Post a Comment