Wednesday, April 21, 2010

Rio De La Cruz in the 114th Boston Marathon

 

26735 runners po lahat ang lumahok sa 114th Boston Marathon noong nakaraang lunes. Dahil sa sobrang siksikan sa finish line, minabuti ng Pinoy Humor na mag abang na lang sa 24th mile marker doon sa Coolidge Corner. Nagbakasakaling matiyempohan ang limang Pinoy at dalawang Pinay runners. 

 

Ang hirap maghanap ng kababayan sa ilog ng mga runners.  Hay.... para kang naghahanap ng hay in a needle stack.  Teka minute si Rio ba yun?  Uy naka-afro, pormado ... ay siya na nga.  Si Rio De La Cruz!  Kasabay ni Hello Minnie!  Takbo Pinoy! Takbo!

 
 Ang official time ng mga Pinoy;  Rio B. De La Cruz - 3:00:15,  Proxy Cabuag - 3:32:11,  Alex Dino - 3:40:32,  William Veto - 3:40:32,  Jenny Kelly - 3:59:15,  Rowena Dejesus - 4:18:45 and  Aloysius Llaguno - 4:52:13.


No comments:

Post a Comment