Thursday, June 24, 2010

Cara'y Cruz sa Sta Cruz

 

Pag ganitong mainit na at humido pa sa aming barangay eh nami-miss ko ang aking Maynilang sinilangan.  Binabalikan ang mga larawang elekronikong pinitik ko noong aking huling balik/alis bayan.  2007, nagawi sa pusod ng Maynila, sa Sta Cruz.  Ay wala na palang pilik mata ng kambing at Gold Coin sa me Sine Sta Cruz, but pero merong Nene's Coins.

 

Bumibili si Aling Nene ng mga Lumang pera.  Victory money na issue ng kano, foreign coins, expired money, Marcos money at maski na anong pera, salapi, bread, tiktak o dough.  Payag naman siyang kunan ng piktyurs pero no interview daw at busy sa client.

 

No comments:

Post a Comment