
Pag ganitong painit na sa aming barangay eh masarap kumain ng mga bawal sa Chinatown. Kasi nga pwedeng mong ma-burn ang mga sebo at cholesterol na pambara sa inyung mga ugat. Bakit nga ba masarap yung bawal, like 'tong Chinese lechon, $7 to $9 per pound. Ibang klase ang lutong ng balat. Pagkahango binababad ng bigla sa ice water with ice cubes kaya super lutong.

Ang pamatay na Crispy pata. Five to six bucks a pound. Wala silang sawsawan, kaya DIY na lang. Suka, toyo, bawang, sibuyas at asukal. Wait punas laway muna.

Soy chicken, litsong manok at Peking Duck. 14 to 16 dolyares ang isa. Yung sa ibaba na katabi ng Peking Duck ay Char Siu Pork (Chinese-flavored Barbecued Pork), $5 to $6 per pound. O kainan na! Aray... 'ray kupo... teka minute parang hindi ako makahinga. CALL 911!!!

No comments:
Post a Comment