Wednesday, August 25, 2010

Pinoy Anting-Anting T-shirt

 

May magandang post si Dennis tungkol sa anting-anting, kaya naalala ko na may anting-anting t-shirt ako na nabili sa Maynila noong dekada 90.  Hindi ko pa ito nagagamit o naisuot kaya parang bago pa.  Nakaguhit si Jesus, nababalot ng aura ng kaligtasan.  Sa itaas ang mata ng Dios sa loob ng triangolo, simbolo ng mga Mason.  Parang nag fist bump o me inaabot si Jesus  sa katabi niya.  Sa kanan ay ang Shem, rocket ship na magdadala sa piling mapalad patungo sa kalangitan.  Totoo kaya na may bisa itong mga anting-anting? Sana may agimat o mutya kontra sa mga kolektor.  Ay ayan na ang bumbay!  Time to use my  invisible cloak.  Teka minute, asan ba yun? Di ko makita!

No comments:

Post a Comment