Saturday, May 14, 2011

Meet The ‘Temptation Island’ Girls – Marian Rivera, Heart Evangelista, Lovi Poe, Solenn Heussaff and Rufa Mae Quinto

Marian Rivera, Heart Evangelista, Lovi Poe, Solenn Heussaff at Rufa Mae Quinto – Paseksihan, Patalbugan at Pagalingan sa ‘Temptation Island’!




Magbabalik sa big screen ang 80s hit na Joey Gosiengiafio classic, ang “Temptation Island” na unang ginawa ng Regal Films. Tampok sa klasikong pelikula ang mga sikat sikat na mga beauty queen gaya nina Dina Bonnevie, Azenith Briones, Bambi Arambulo at Jennifer Cortez. Nasa cast din ang aktres na si Deborah Sun at mga Regal actors na sina Ricky Belmonte, Domingo Sabado, Alfie Anido at Jonas Sebastian.

Matapos ang mahigit isang taong pagpapalit-palit ng female cast, nabuo na rin finally ang movie mula sa panulat at direksyon ni Chris Martinez. Huling umani ng papuri sa pelikulang Here Comes the Bride, 100 at Gunaw episode ng My Valentine Girls ni Richard Gutierrez at ni Eugene Domingo si direk Chris.




Agad ngang pumunta sa ng Paoay, Ilocos Norte ang buong cast bago ang Holy Week upang kunan ang mga eksena sa disyerto kung saan na-stranded ang ilang pasahero na pinangungunahan nina Marian Rivera, Heart Evangelista, Lovi Poe, Solenn Heussaff, John Lapus, Mikael Daez, Tom Rodriguez at Aljur Abrenica.

Napunta kay Marian ang role ni Azenith na putatsing na mahilig sumali sa beauty contests. Kay Heart naman napunta ang role ng konserbatibong si Dina at kay Solenn ang role ni Bambi na isang kontesera rin sa byu-con (beauty contests). Napunta naman kay Lovi ang role ni Jennifer na isang bratinela with matching yaya sa isla na ginampanan naman ni Rufa Mae na unang ginawa ni Deborah Sun.




Kahit grabe ang tindi ng sikat nga araw sa Ilocos na halos ikasunog ng mga kutis , masaya si Marian sa bonding na nangyari sa unang shooting days ng girls.

Masaya kasi nagkakaroon ng bonding ang mga girls. Maganda pa ‘yung lugar. Sobra nga lang ang init. Sobrang love ko talaga ang Ilocos!” pahayag ni Marian.

Wala namang pakialam si Heart kung masilip ang singit-singitan sa punit-punit niyang gown.

This is the shortest skirt na sinuot ko! Para na siyang half panty, half gown! Ha! Ha! Ha! Pero masaya talaga ang bonding naming!” kuwento naman ni Heart.




Minani naman ni Solenn ang init sa disyerto habang nagsusyuting. “This is five star desert Survivor Philippines!” pagmamalaki ni Solenn.

Sina Rufa at Lovi ang madalas naman magkaeksena kaya naman hindi sagabal ang tsismis na pinag-aagawan nila si Fabio Ide upang hindi nila paghusayan ang mga eksena nila.




Matitindi pang eksena ang nakahandang gawin ng mga girls ng “Temptation Island” pero sigurado na na magkakarooon ng patalbugan, paseksihan at pagalingan sa kani-kaniyang role sa bagong version ng pelikulang hinding-hindi puwedeng mabura sa history ng pelikulang Pinoy!

Bukod sa malalandi at nakakakiliting eksena nina Marian, Heart, Lovi, Solenn at Rufa Mae, kakaibang Sweet ang mapapanood sa movie bilang beauty pageant coordinator.

- Regal Entertainment Press Statement

No comments:

Post a Comment