Saturday, May 14, 2011

Meet The ‘Temptation Island’ Hunks – Tom Rodriguez, Mikael Daez and Aljur Abrenica

Pagpipistahan ng mga kababaihan at kabadingan ang magagandang katawan ng mga aktor na nasa cast ng “Temptation Island” na co-production ng Regal Entertainment at GMA Films – sina Aljur Abrenica, Mikael Daez at Tom Rodriguez!




Todo-displey ang tatlong hunks ng matatambok nilang muscles at abs dahil ang sinakyan nilang barko ay nasiraan kaya stranded silang lahat kasama ang “Temptation” girls na sina Marian Rivera, Heart Evangelista, Lovi Poe, Solenn Heussaff at Rufa Mae Quinto.

Sa tatlo, si Aljur Abrenica ang pinakamatapang magpakita ng hubad na katawan, mapipintog na muscles at makikinis na binti at hita. Lalong dumami ang naakit kay Aljur nang gawin niya ang TV series na “Machete.” Aware siyang pinagpapatasyahan ang kaguwapuhan niya’t pormadong katawan, kaya naman hindi na siya nag-iinarte pa kung ibuyangyang niya ito sa publiko, huh!




Produkto naman ng “Pinoy Big Brother” si Tom Rodriguez na lumaki sa ibang bansa. Kaya naman liberal ang kanyang pananaw sa pagpapakita ng hubad niyang katawan! Tutal naman, nagawa na niyang magpaseksi sa “Here Comes The Bride” at maging sa TV series na “My Driver, Sweet Lover” ng TV5. Sa “Temptation Island”, siya ang magiging love interest ni Marian Rivera kung saan hindi lang kissing scene ang ginawa nila kungdi maging love scenes, huh!

Naka-jackpot muli ang commercial model turned actor na si Mikael Daez nang siya ang piniling pumalit sa role ni Paulo Avelino. Second big acting project niya ang “TI” dahil isa rin siya sa leading men ni Marian sa TV series ng GMA 7 na “Amaya.” Eh, pagdating sa pagpapakita ng katawan, wala ring pakialam si Mikael dahil alam niyang sexy ang tema ang pelikulang ginagawa.




Sa totoo lang, hindi lang ang mga babaing artista ng “Temptation Island” ang magpapainit sa manonood! Nariyan din sina Aljur, Mikael at Tom na “cheesy” na, “yummy” pa, huh!

Nasa cast din ng movie si John Lapus na mula sa panulat at direksyon ni Chris Martinez.

- Regal Entertainment Press Statement

No comments:

Post a Comment