Showing posts with label Winter Blast Sa Tagalog - Kilig to Da Bulalo. Show all posts
Showing posts with label Winter Blast Sa Tagalog - Kilig to Da Bulalo. Show all posts

Thursday, February 3, 2011

Snowpocalypse 2011 at si Tisoy



Grabe-ty ang winter ngayon.  Dati me gap between snowstorm para mag melt ang snow, but since December sunod sunod ang nor'easter storm.  Wala ng paglagyan ang snow sa kalye and sidewalks.
 



Dati look to the left, then to the right lang pag naglalakad. Ngayon look to the left & right, tas may I look up pa to check kung merong chucks of ice na babagsak sa ulo mo.  Look down pa kasi baka me black ice under the snow para hindi madulas at humataw ang wetpaks mo sa sidewalk. Sobra na talaga en over pa. 


 

Ang laking tuwa ko ng nakita ko si Tisoy ang white squirrel na kababata ni Picabo sa likod bahay namen.  Bilib din ako ke Tisoy, kayang kaya ang winter.  Yung kuha ni Tisoy na kumakain ng pandisal ay noong 2008 winter pa, while yung dalawa kuha sa bakod ay kaninang umaga lang.
 

Monday, December 27, 2010

Snowpocalypse 2010 (mala Ondoy)



Humagupit kagabi ang first North American blizzard of 2010 dito po sa aming barangay.  Sumilip sumandali ang haring araw kaninang umaga, nawala at umuhip ang hurricane-force winds sabay bagsak ng mabigat, malagkit na snow.  Palakpakan ang mga bata at matanda dahil walang pasok sa school at opisina.  Suspindido din ang mga lipad ng mga eroplano at saringola.




Bandang hapon na ng tumila ang blizzard of 2010, nagtambak ng labing-dawala hangang dalawanput-isang pulgada ng snow.  Mas mataas pa po ito ke Picabo.




Halos magkandahika at inabot ako ng dalawang oras sa paghuhukay ng aming karag-karag.  Basang basa ng pawis ang lolo ninyo.



O my gid! SAGINAW talaga!  Ibalik ninyo ako sa Pilipinas!