Pagkatapos malupig ng imperyalistang kano ang conquistador na kastila sa moro-morong "Battle of Manila Bay" ay kinalas nila ang kanyon ng Intramuros. Ito'y ginawang laruan ng tuwang tuwa at walang kamuwangmuwang na Pilipino at kinilo naman ng negosyanteng Intsik.
Kayod kalabaw sa paanan ng Jones Bridge noong kapanahunan ng lelong ko. Makikita sa ibaba ang Plaza Moraga at kung liliko kang pakanan ay Escolta naman. Hila Damulag! Kaya natin yan. Hatak, batak!