skip to main |
skip to sidebar
Naingit daw ke Katie Holmes (bagong endorser ng Kamiseta) si Paris Hilton, kaya binili ni Daddy Hilton ke Datu Puti ang Pinoy Kurat. Ito ngayon ang bagong. . . . Kung sa bagay eh kirat din daw ang dating endorser ng Datu Puti Pinoy Kurat.
Masarap ang inuman ng barkada kung kumpleto sa pulutan. Panalo ang sisig, inihaw na pusit, manok, baboy, kilawin at inihaw na panga ng tuna. Pero minsan medyo kapos at malayo pa ang katapusan kaya mani, Only Puke, chicharon at sipol na lang ang pinagtiyagaan.
Dr Garma Freshly Chopped Chicharon. Kung hindi mo kilala si Dr Garma eh tanong mo na lang sa tatay mo. Kung hindi ka mutain at hindi bulol si tatay, siguradong nagdaan siya sa kamay este gunting ni doc Garma doon sa me Rizal Avenue.