Sunday, August 22, 2010

McDo Angus Snack Wrap Attack!



Ilang beses na akong tinatawag, inaakit ng makatulong laway na bagong TV ads ng  McDonalds Angus Snack Wrap.  Kagabi ala-una AM, after watching it again, inatake ako Angus Snack Wrap attack. Pero en but sarado na ang aking suking Mcdo.  Napanigipan ko pa silang tatlo.  Sila si Deluxe with ripe red tomato, fresh green leaf lettuce and rings of red onions crinkle cut pickles, American cheese, creamy mayonnaise and yellow mustard.  Si Bacon & Cheese na me fresh rings of red onions; crinkle cut pickles, a strip of bacon, American cheese, ketchup and yellow mustard.  At ang aking payborit na si Mushroom & Swiss with sautéed mushrooms, Swiss cheese and creamy Mayonnaise.  Onli $1.99 ang isa.

'Lam naman ninyo na ako ay isang fast food junkie, kaya kinabukasan sugod me sa golden arches.  I'll have the Bacon & Cheese & Mushroom & Swiss wrap atsaka libreng sabaw kung meron.  Hinagpis ni Ronald at Hetty!  Asan ang umaapaw na mushrooms, ang nakausli at nakadilang angus beef na gustong makipag-french kiss saken?  Where is da umaapaw na bacon, kamatis atbp.  Ayun nasa loob, mali ang piktyur sa TV.  Tadong food stylist yan, nilagay lahat ng laman sa dulo ng tortilla.  Pero after isang kagat, uy panalo ang lasa.  Sarap! Kaya lang bitin.  Maka-order pa nga.  



No comments:

Post a Comment